MS. MARY ANTONETTE ANGELES Isang panayam ang pinaunlakan ni Ms. Annette Angeles, isa sa mga catechetical coordinators ng CFAM, ukol sa pagkakataong naibigay sa kanya kasama ang kanyang kapatid at malalapit na kaibigan na makasama sa isang Marian Pilgrimage na naganap sa loob ng labing-apat (14) na araw mula May 18 hanggang May 31, 2023. Narito ang kanyang pagbabahagi sa kanyang naging karanasan sa pilgrimage na ito. Q: Kagagaling n’yo lang sa isang Marian Pilgrimage, ano ba ang pilgrimage para sa iyo? Masasabi ko na ang pilgrimage is really a gift from God. Dahil hindi naman lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makasama sa isang pilgrimage.
Ang pilgrimage ay parang isang retreat din na maraming dasal. Isa rin itong paglalakbay at ang mga pinuntahan naming Marian sites at religious places ay nakatulong sa akin na makilala pa ang Mahal na Birhen, ang mga virtues niya at hopefully ma-inspire at pag-uwi ko ay ito ang challenge sa akin.
Q: Ilan beses na kayo nakasama sa mga pilgrimage? Ano ang kaibahan nito sa naunang pilgrimage na nasamahan ninyo?
Itong Marian Pilgrimage, sa Holy Land at sa Rome sa Assissi…bale tatlong beses. Sa Holy Land ang binaybay namin ay ang buhay ni Hesus, ang mga dinaanan ni Hesus. Ito namang Marian Pilgrimage ay puro on Mary talaga. Sabi nga natin, ang devotion natin kay Mary ay magdadala din sa atin kay Hesus. Sa Rome naman, ang pinuntahan namin doon ay ang site ni Padre Pio, kay St. Francis, St. Claire, mga famous and miraculous saints. Ang mga saints na yan ay talagang mapaghimala. Natutuwa ako kapag nakukwento ko, kasi ang mga tao, talagang may malaking devotion sila na kahit sa laptop ko, nagpapahid sila, halimbawa kay Padre Pio. Sa pamamagitan nila napapalapit din talaga ang tao sa Diyos dahil hindi ka lang naman doon pupunta just to see the place kundi aalamin mo rin ang kasaysayan at kasama na ang panalangin. S’yempre may picture picture pa rin. Pero yun naman ay nangyayari after mo magdasal. Kasi sayang din naman na naroroon ka na.
Q: Kung may isang salita na magde-describe sa iyong pakiramdam sa Marian Pilgrimage na ito, ano ito? Bakit?
Talagang kapayaan, Peace at ganap na kaligayahan. Pagkatapos ng Marian Pilgrimage na ito, nasabi ko, sabagay lahat naman ng pilgrimage nasasabi ko, “Lord, pwede na ako mamatay.” Pwede na po, kasi ang pasasalamat sa Diyos talaga, dahil hindi ko akalain na mararating ko iyon at hindi ko pinangarap. Although may mga kaibigan ako, especially mga pari na nakapunta doon nasasabi ko, “Ah buti pa sila.” Siguro ito ang isang confirmation ko, “ang maliit nating bulong naririnig ng Diyos, as long as may desire ka.” Yung desire na sinabi mo sa napakaliit na tinig na iyon, “Sana makarating ako d’yan kasi ang ganda naman po” parang naririnig ni Lord kahit kudlit lang. Kaya masasabi ko, “Talagang sumasagot Siya sa panalangin. Hindi mo na kailangan i- vocal. Lord ang galing ha.” Iyon ang isang kompirmasyon ko doon.
Q: Anu-anong mga Marian sites ang inyong napuntahan? Ano ang pagkakaiba ng mga lugar na ito?
Una nagpunta kami sa Our Lady of Fatima sa Portugal, sumunod sa Our Lady of Lourdes sa France tapos sa La Salette sa France din iyon. Sa St. Teresa of Avila at sa Liseux, meron ding Marian doon. Kaya kung titingnan mo, Marian Pilgrimage bakit nakapunta sila sa St. Teresa of Avila sa Spain, tapos sa France sa Liseux kay St. Therese? Dahil iyon sa Our Lady of the Smile. Sa Spain naman iyong Mahal na Birhen ng Spain napuntahan din namin. Tapos ang site din kay St. Anthony of Padua sa Lisbon, Portugal kung saan naroon din ang Our Lady of Fatima. Pero ang pinakamalalaki doon at famous ay ang Fatima, Lourdes and La Salette na siyang pinupuntahan ng mga pilgrims. Iyon ang nagustuhan ko, yung ang Our Lady of Lasalette kasi hindi ko masyadong alam ang kasaysayan kaya patuloy kong nire-research ngayon, maganda din kasi ang istorya. Sa Our Lady of Fatima, may chapel of the apparitions na siyang eksaktong lugar kung saan nakatayo ang puno na siyang pinagpakitaan ng Mahal na Birhen sa tatlong bata. Sa Lourdes naman, yung Grotto kung saan nagpakita ang Mahal na Birhen kay Bernadette at sa La Salette, yung basilica talaga naman napakaganda.
Q: Sa inyong pagdalaw sa mga Marian sites na ito, ano ang pinaka memorable o hindi ninyo malilimutan? Bakit?
Noong nagprusisyon kami sa Our Lady of Fatima na parang umaalon ang mga tao habang hawak-hawak nila ang Mahal na Birhen ng Fatima. Kasi iyong tuhod ko, hindi talaga inalis ni Lord ang sakit ng tuhod ko at nagpapasalamat ako na hindi Niya inalis ang sakit ng tuhod ko. Pero s’yempre umaasa ako na habang naroon kami ay aalisin Niya.
Naalala ko ang sinabi ng bishop na may tatlong bagay na dapat mayroon tayo habang nagpipilgrimage. Una, ano ang ipagdarasal mo? Ikalawa, ano ang gusto mong isakripisyo at ikatlo, ano ang ipagpapasalamat mo sa Diyos? Kung ipagdadasal, ang dami, ang dami kong dapat na ipagdasal. Pagpapasalamat s’yempre ang daming mga biyaya. Iyong pagsasakripisyo ang talagang touch na touch ako. Simula nang sinabi ni bishop iyon sabi ko, “Ay, Lord naniniwala ako na hindi mo aalisin ang sakit ng aking tuhod. Kasi this is the only thing na kaya kong maialay.”
During the procession pakiramdam ko babagsak ako at dalawa pa kami ng kapatid ko. Kasi ang kapatid ko sa dami-dami ng buwan, kung kailan kami aalis saka inoperahan ang paa kaya siya rin masakit ang paa. Sabi ko sa kanya, huwag na siya sumama sa prusisyon, ako na lang ang sasama pero hindi. Noong sasama na kami sa prusisyon lalo kong naramdaman ang tindi ng sakit ng tuhod ko. Humawak ako sa bakal, akala ko hindi ako makakasama. Sabi ko, Mahal na Birhen pasamahin n’yo naman po ako dito, gustung-gusto ko pong maranasan ito.” Pinasama niya naman ako, although masakit siya bearable naman. Talagang tiniis ko dahil sabi ko nga, “Wala akong maiaalay sa’yo Panginoon kundi ang tuhod ko na ‘to para sa kasalanan ko, para sa kasalanan ng mga kamag-anak ko at ng mga taong humihingi sa akin ng panalangin.” Kaya dala-dala ko talaga ang krus na iyon.
Q: Marian devotee ba kayo? Paano nagsimula ang inyong pagiging Marian devotee?
Oo. May maganda akong kwento diyan. During the day na aalis na kami at 1 o’clock sabi ko, “Magsisimba muna ako kasi ang hirap talaga mag pilgrimage kahit bayad ka na hindi ka pa rin assured. Ang kaligtasan mo ay nasa Diyos, sa sandaling lagnatin ka o kung anong mangyari sa iyo, wala na iyon.” Kaya ang kahilingan ko noong araw na iyon, “Lord, sana patuluyin N’yo po ako. Alam Mo naman Lord, bata pa ako talagang inaral ko na ang kasaysayan ng Our Lady of Fatima, ng Lourdes.” La Salette, hindi pa, kasi kelan ko lang naman nalaman ang Our Lady of La Salette. Ang confirmation ko na makakatuloy ako, paglabas ko ng cathedral, sa gitna ko dumaan ang isang van, nakalagay Our Lady of Fatima Medical Center. Sabi ko, “Wow Lord! Parang kino-confirm Mo…’O ayan, tutuloy ka’.” Napangiti ako at ang sabi ko, “Wow, assurance ito talaga at iyon, tuluy-tuloy na. Bata pa ako may devotion na kay Mama Mary, hanggang ngayon kahit umpisahan mo lang ang mga prayers sa Mother of Perpetual Help, kabisadong-kabisado ko iyan, Rosary yan. Na introduce talaga kami d’yan kasi sakitin ako. Sa bahay namin may altar kami na parang bahay din na naroon and lahat ng mga santo. Laging sinasabi ng nanay ko, “sabihin mo kay Mama Mary kargahin ka.” Ngayon, naunawaan ko na iyon kasi karga-karga niya si Jesus. Kapag kinarga ako ni Mama Mary, dala-dalawa karga niya, mas malapit ako kay Jesus.
Q: Sa pilgrimage na ito, ano ang pinakadasal ninyo?
Dasal ng pasasalamat. Pinagdasal ko lahat ng mga taong humihingi sa akin ng panalangin. Di ba sabi kapag may nagpapadasal sa iyo, “you mention the particular name.” Kaya ang ginagawa ko, iniisa-isa ko kung sino ang mga nakaupo doon. Halimbawa sa office, “Lord, pakinggan mo po ang panalangin ni Jes, ni Michelle, ni Art”, para wala akong ma-neglect.Tapos iyong mga katekista ko twenty-two iyon, s’yempre family ko. Imagine 14 days na kahit saan ka magpunta ipagdadasal mo. Nangolekta din ako ng mga prayer requests from the catechists, nagsulat talaga sila. In every site na pupuntahan namin, hinuhulog ko iyon.
Q: Sa mga gusto rin makapag-pilgrimage, anu-anong tips or advise ang maarin ninyong maibahagi?
Noong nasa Holy Land kami, sabi ko sa sarili ko, “Sana makapunta din dito ang mga katekista.”
Ang mga kapatid nating Muslim talagang nag-iipon sila para marating ang Mecca. Sabi ko, kung nagagawa ng mga kapatid nating Muslim sana ganun din, makarating ang mga katekista sa mga ganyan,
kahit sa Holy Land kasi itinuturo natin si Jesus. Siguro ang maipapayo ko,
talagang bumulong tayo sa Diyos, naisin. Kasi kapag talagang nakita ni Lord na may desire,
magwo-work Siya doon. As long as we have the desire, tapos s’yempre iwo-work out mo rin iyon,
mag-iipon, magtitipid kung talagang gusto.
Ngayon na-overwhelmed ako, imagine dati walang nakakarating sa Rome para mag-attend ng conference doon. Ngayon we have 33 full time catechists na nakarating doon.
So, ibig sabihin hindi impossible na makarating din tayo doon sa ibang mga pilgrimage.
Lalo na nga sa Ngayon na-overwhelmed ako, imagine dati walang nakakarating sa Rome para mag-attend ng Holy Land. Kaya hilingin sa Diyos, dahil wala naman imposible sa Diyos kapag nananalangin tayo at meron tayong kagustuhan, ibibigay ‘yan ng Diyos. Tapos s’yempre mag-ipon. Sabi nga ni Teresa, “Si Teresa at ang pera walang magagawa. Pero si Teresa, ang Diyos at ang pera may magagawa. Kasi kasama na ang Diyos, that was during the reform eh. Kaya naisin, mag-ipon at magdasal sa Diyos. Gagawa ang Diyos ng means, malay mo may mga taong mag-sponsor sa iyo.
Maraming salamat Ms. Annette sa isang buhay na buhay at punung-puno ng sayang pagbabahagi sa iyong naging karanasan sa Marian Pilgrimage na ito. Nawa katulad mo, ang aming mga munting bulong ay dalhin ng ating Mahal na Inang Maria sa kanyang anak na si Jesus.