ANG LANDAS NG PAGLILINGKOD
Isang pagninilay sa buhay- katekista
ni Ms. Emerenciana A. de Luna
Isang pagninilay sa buhay- katekista
ni Ms. Emerenciana A. de Luna
Ngayong ipinagdiriwang natin ang panahon ng dakilang tagumpay ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Jesus, tunghayan natin ang kuwento ng bokasyon at paglilingkod sa Simbahan ng ating kasalukuyang CFAM Executive Secretary na si Ms. Emerenciana De Luna, mas kilala ng marami bilang si Ms. Emer.
Taong 1985, buwan ng Hulyo ay nanawagan ang Simbahan sa Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng isa sa mga programa ng Radio Veritas para sa pangangailangan nito ng mga tagapagturo ng pananampalataya o mas kilala sa tawag na katekista. Narinig ito ni Emerenciana De Luna at ito ang naging simula ng kanyang makulay na landas sa paglilingkod sa Simbahan bilang isang katekista.
Ang kuwento ng kanyang bokasyon ay paglalarawan ng mga natatanging karanasan dahil sa pagtugon sa isang tawag mula sa Diyos na maging isang katekista.
Matapos marinig ang imbitasyon ay sinikap niya na hanapin ang lugar kung saan ginagawa ang paghuhubog sa mga katekista. Nakilala niya at nakausap ang dating coordinator in-charge na si Ms. Corazon Dangalio, at binigyan siya nito ng pagsusulit tungkol sa mga katotohanan sa pananampalataya. Mapalad siyang nakapasa sa pagsusulit kung kaya binigyan siya ng pagkakataon na sumailalim sa paghuhubog upang maging isang katekista.
Noong mga panahong iyon,ang paghuhubog ay ginagawa sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary, Makati, subalit makalipas ang halos dalawang buwan ay nailipat ito sa kasalukuyang Lay Formation Center (LAYFORCE) na nasa loob ng San Carlos Pastoral Formation Complex, Edsa Guadalupe Viejo, Makati City.
Hindi madali ang naging paghuhubog, maraming mahalagang pangyayari ang naganap at sinubok ang kanyang hangarin na maging lingkod ng Simbahan. Taong 1987, nang matapos niya ang Basic Catechetical Formation at nagsimula siyang maglingkod bilang katekista sa Sta. Rosa de Lima Parish, Bagong Ilog, Pasig.
Sa kanyang pagsisimula bilang isang ganap na katekista, ang isa sa mga hamon ay ang pagiging tapat sa pagtungo sa paaralan upang magturo, gayun din ang araw-araw na pagdarasal nang tahimik upang mapalago ang buhay panalangin. Nangangailangan ito ng matinding dedikasyon at pagpapahalaga sa kanyang piniling tungkulin bilang guro ng pananampalataya. Ang pagtugon sa tawag ay mahalagang maipakita hindi lamang sa salita kundi pati na rin sa kanyang sariling pamumuhay.
Ang patuloy na paghuhubog “on-going formation” ang siyang nagbibigay-lakas sa kanya upang harapin ang mga hamon ng buhay katekista. Sa pagdalo sa mga paghuhubog ay mas napalalim niya ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng higit na pagkakakilala niya sa Diyos, sa kanyang sarili, at kanyang kapwa.
Bilang isang katekista, maraming hamon ang dumating sa kanya, pero hindi iyon naging hadlang upang huminto at itigil ang kanyang bokasyon. Para sa kanya “ang grasya ng Diyos ay sapat sa araw-araw. Ang buhay-katekista ay puno ng pakikibaka at mga pagsubok, ngunit ang patuloy na paghuhubog sa buhay katekista ay isang malaking biyaya” at ito ang isa sa mga ipinagpapasalamat niya sa Diyos.
Taong 1998, siya ay naatasang maging Catechetical Coordinator ng Pasay/Paranaque/Las Pinas/Muntinlupa (PPLM) District. Ito ay mga panahong malawak pa ang nasasakupan ng Archdiocese of Manila. Naging gabay si Ms. Emer ng mga katekista at sa mahabang panahon bilang coordinator ay nalibot at nakapaglingkod siya 13 Bikaryato ng Arkidiyosesis ng Maynila.
Noong 2018-2019, ipinadala si Ms. Emer sa Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan para sa isang misyon. Sa lugar na ito, nagkaroon siya ng pagkakataon na magbigay ng paghuhubog sa mga katekista mula sa iba't ibang parokya at kapilya na nasasakupan ng bikaryato ng Taytay, Palawan. Ito ay isang malaki at kakaibang hamon para sa kanya sapagkat hindi lamang mga katekista ang kanyang nabigyan ng paghuhubog at “faith formation”, kundi pati na rin ang mga laykong lider sa mga liblib na lugar. Hindi madali ang gawain sa misyon sapagkat kailangan niyang tumawid sa mga isla, umakyat sa mga bundok, at maglakbay sa mga ilang na lugar, bagamat mayroon na rin namang mga kalsadang sementado na. Nakakapagod, ngunit ramdam niya ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa kabila ng kanilang iba't ibang kalagayan at sitwasyon sa buhay. Higit sa lahat, makikita sa kanilang mga mukha ang kasiyahan sa buhay na dulot ng pag-asa dahil sa kanilang tiwala at pagmamahal sa Diyos. Ito ang nagbigay kay Ms. Emer ng inspirasyon sa kanyang buhay-misyon.
Sa kasalukuyan, ang atas ng pagiging Executive Secretary ng CFAM ang ginagampanan ni Ms. Emer. Isa itong malaki at mabigat na hamon, ngunit dito niya higit na nararanasan ang awa at pagmamahal ng Diyos.
Para kay Ms. Emer, ang buhay-katekista ay puno ng pakikibaka at mga pagsubok, ngunit sa pamamagitan nito ay tunay na nararanasan niya ay ang Misteryo Paskal na siyang naging buhay ng ating Panginoong Jesukristo. Masasabi niya na ang tawag ng Diyos upang maging katekista ang kanyang tanging yaman.
Saad pa niya na ang buhay-katekista ay puno ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Ang pagiging matapat sa buhay-panalangin at ang pag-alay ng sarili sa bawat sandali ng ating buhay ay mahalagang bahagi ng pagiging isang katekista. Maraming salamat po, Panginoon at nawa patuloy na dumami ang mga katekista. PANALANGIN
Isang pusong tapat sa aki’y likhain,
bigyan mo, O Diyos ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa’y huwag akong alisin;
iyong Banal na Espiritu’y papaghariin.
Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas,
ibalik at ako po’y gawin mong tapat. (Psalm 51: 10-12)