Carlo Acutis: The First Millennial Saint
Si Carlo Acutis ay ipinanganak noong Mayo 3, 1991 sa London, kung saan nagtatrabaho ang kanyang mga magulang. Pagkalipas lamang ng ilang buwan, lumipat sa Milan ang kanyang mga magulang na sina Andrea Acutis at Antonia Salzano.
Mula nang matanggap niya ang kanyang pinakaunang Komunyon sa edad na pitong taon, hindi na siya kailanman nakaranas na lumiban sa pang-araw-araw na pagdaraos ng Banal na Misa. Mayroon din siyang magiliw na debosyon sa Mahal na Birhen na araw-araw niyang ipinagpupuri sa pamamagitan ng pagdarasal ng Banal na Rosaryo.
Ang kanyang patotoo sa pananampalataya ay humantong sa isang malalim na pagbabagong loob ng kanyang ina dahil ayon sa pari na nagtataguyod ng kanyang layunin para sa pagiging banal, "nagawa niyang hilahin ang kanyang mga kamag-anak at mga magulang sa Misa araw-araw.
Si Carlo ay isang computer programmer. Itinaguyod niya ang mga “Eucharistic miracles” sa pamamagitan ng isang website na kanyang ginawa para isulong ang mga ito.
Sa site, sinabi niya sa mga tao: "Sa mas madalas nating pagtanggap ng Eukaristiya, lalo tayong magiging katulad ni Jesus upang sa mundong ito ay magkakaroon tayo ng paunang lasa ng langit."
Nang magkasakit si Carlo ng leukemia, lalong tumaas ang kanyang buhay pananampalataya. Sinadya niyang ialay ang kanyang pagdurusa para sa Simbahan, sa papa at para sa mga taong dumaranas ng karamdaman.
Namatay siya sa gulang na 15 taon noong Oktubre 12, 2006 at inilibing sa Assisi, sa kanyang kahilingan dahil sa kanyang pagmamahal kay St. Francis of Assisi.
Sa kanyang pagkawala, nakadama ang lahat ng mga taong nakakikilala sa kanya ng isang malaking kakulang sa buhay at matinding paghanga para sa kanyang maiksi ngunit masidhing patotoo ng tunay na buhay-Kristiyano.
Ang layunin para sa kanyang canonization ay nagsimula noong 2013. Siya ay itinalagang "Venerable" noong 2018 at itinalagang "Blessed" noong Oktubre 10.
Siya ay tinaguriang The First Millenial Saint.
Source: https://www.catholicnewsagency.com/news/46048/who-was-carlo-acutis-a-cna...