KAHIT HINDI NA TAKIPSILIM
Musika at titik ni Fr: Carlo Magno Marcelo
Areglo ni Saunder Choi
1st verse:
Minsan isang takipsilim
May nagdiwang at may naghalin
Ng tinapay at alak
Pagkaing nagmula sa langit.
2nd verse:
Minsan isang takipsilim
May lumuhang nananalangin:
“Ang tadhana’y huwag mangyari,
Ngunit kung nais, s’yang tutupdin.”
Chorus:
Kasama sama natin Siya
Ang puso nati’y babaguhin,
Ang hain Niya ay tanggapin
Kahit hindi na takipsilim.
Oooooh….
3rd verse:
“Nawa’y maging isa lahat.”
Ito’y Kanyang huling habilin
“Sa pagmamahal ninyo,
Ang mundo’y magbabago.
Pre Chorus:
Siya ay nasa Salita
At lihim Siya sa Sakramento
Makikita sa ating kapwa
Ano pa’t sa mukha ng mga dukha.
(Chorus)
(Verse 1 and 2; Chorus)