Elizabeth ng Trinidad: Buhay at Espirituwalidad
Si Elizabeth Catez ay ipinanganak noong 1880 sa Bourges, France. Ang kanyang ama ay isang kapitan ng hukbo at namatay noong siya ay pitong taong gulang pa lamang. Siya ay may isang nakababatang kapatid na babae, si Marguerite. Sila ay napakalapit sa isa't isa at sa kanilang ina.
Matapos ang paglisan ng kanyang ama, ang kanilang pamilya ay lumipat ng bahay malapit sa kumbento ng Discalced Carmelite Nuns sa Dijon, France kung saan nabihag at nagsimula ang kagustuhan ni Elizabeth na mapalapit kay Hesus.
Si Elizabeth ay may natatanging talento sa musika. Noong siya ay walaong taong gulang, ipinasok siya ng kanyang ina sa konserbatoryo ng Dijon upang mapalalim pa ang kanyang galing sa pagtugtog ng piano kung saan siya ay naging isang natatanging estudyante at nanalo ng maraming parangal sa larangang ito.
Ang batang si Elizabeth ay isang batang mainitin ang ulo. Ngunit sinasabing ito ay nabawasan pagkatapos ng kanyang Unang Komunyon noong ika-19 ng Abril, 1891.
Sa araw ding iyon ng kanyang Unang Komunyon, bumisita siya sa unang pagkakakataon sa kumbento ng Carmel kung saan ipinaliwanag sa kanya ng madre superyora ang kahulugan ng kanyang pangalan sa Hebreo, na ang ibig sabihin ay “Tahanan ng Panginoon.” Mula sa panahong iyon, nais na niyang ibigay ang kanyang buhay sa dakilang pagmamahal ng Diyos.
Noong si Elizabeth ay 17 taong gulang, sa kanyang pagbisita sa Carmel na naganap ilang sandali matapos ang pagkamatay ng isa pang santo ng French Carmelite, na si Santa Teresita ng Lisieux. Ipinakita ng superiora sa batang si Elizabeth ang mailalathala na spiritual autobiography ni Santa Teresita, ang "A Story of a Soul." Si Elizabeth ay isa sa pinakaunang umani ng mga benepisyo na maituturing na isang espirituwal na obra maestra na siyang naging inspirasyon niya na maging isang Carmelita nun.
Sa kanyang ika-dalawampu't isang kaarawan, tinanggap niya ang basbas ng kanyang ina na makapasok sa Carmel sa Dijon, malapit sa kanilang tahanan. Ipinahayag ni Elizabeth sa kanyang mga liham ang matinding kagalakan sa kanyang pagpasok sa Carmel.
Masasabing si Elizabeth ay may espesyal na koneskyon kay Santa Teresita bagamat di nila kilala ang isa’t-isa. Kapansin-pansin ito sa kanyang espirituwalidad at mga sulat. Ipinahahayag ito sa kanyang bokasyong makalangit, “Sa palagay ko, ang aking misyon sa langit ay ang paghila ng mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagtulong na umalis sa kanilang mga sarili upang kumapit sa Diyos sa pamamagitan ng isang ganap at mapagmahal na pagkilos at panatilihin sila sa malalim na katahimikan kung saan magbibigay daan sa Diyos na maipahayag ang Kanyang sarili at baguhin sila sa Kanyang pamamagitan.”
Noong Agosto 2, 1901, tinanggap niya ang pangalang “Elizabeth of the Trinity” o Elizabeth ng Trinidad. Naakit din niya ang atensyon ng buong komunidad sa kanyang katapatan at dedikasyon. Iginugol niya ang kanyang sarili sa pagbabasa at pagpapalalim ng kanyang pang-unawa sa Banal na Kasulatan.
Di nagtagal, nagkasakit si Elizabeth pagkatapos pumasok sa Carmel at nagdusa sa loob ng limang taon mula sa isang sakit na tinatawag na Addison’s disease na naging sanhi ng kanyang kamatayan sa edad na 26 na taong gulang.
Ang kanyang mga huling salita ay “Ako ay patungo sa liwanag, sa pagibig, sa buhay.”
Hudyat sa kanyang paninirahan sa langit, inaprubahan ng Simbahan ang dalawang himala na nauugnay sa kanyang pamamagitan. Ang isa ay ang mahimalang pagpapagaling sa obispo na si Cardinal Albert Decourtray ng Dijon.
Si Santa Elizabeth ng Trinidad ay itinakdang maging santo ni Papa Francisco sa Vatican noong Oktubre 16, 2016. Ang kanyang kapistahan ay tuwing Nobyembre 8.
Source: https://www.simplycatholic.com/st-elizabeth-of-the-trinity-a-saint-for-the-suffering/
https://www.carmelitaniscalzi.com/en/who-we-are/our-saints/bl-elizabeth-...