Kwento ng Banal na si San Carlos Borromeo
Si San Carlos Borromeo ay ipinanganak noong Ika-2 ng Oktubre 1538, sa kastilyo ng Arona na matatagpuan sa tabi ng Lawa ng Maggiore sa Hilagang Italya. Ang kanyang ama na si Gilbert ay isang Count ng Arona at ang kanyang ina na si Margarita ay isang miyembro ng House of Medici. Siya ay pangatlo sa anim na mag kakapatid.
Sa edad na 12 ay itinuon na ni Carlos ang kanyang sarili sa paglilingkod sa Simbahan.
Ibinigay sa kanya ng kanyang tiyuhin ang kita ng kanilang pamilya mula sa Benedictine abbey ng mga Banal na Gratinian at Felinus. Kahit na siya ay isang kabataan pa lamang ay malinaw na para sa kanya ang pagkakaroon ng isang may integridad na buhay.
Sinabi niya sa kanyang Ama na ang perang kailangan niya para sa kanyang edukasyon ay ibibigay niya para sa paglilingkod sa Simbahan at lahat ng pondo na kanyang naipon ay kanyang itutuon at ibabahagi para sa mga dukha sa Simbahan.
Gayunpaman, siya ay nagpakita ng angking galing at kahusayan kaya naman siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Pavia sa kursong Theology kung saan natutunan niya ang wikang Latin. Pinuri siya ng kanyang mga guro dahil sa kanyang kasipagan at maingat na nag aaral sa lahat ng aspeto ng kanyang edukasyon.
Noong taong 1554, nang pumanaw ang kanyang Ama, bagamat siya ay isang teenager pa lamang ay sa kanya na napunta ang responsibilidad na pangalagaan ang kanilang pamilya. Hindi naging hadlang para sa kanya ang mga responsibilidad na ito bagkus ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral at nagtapos siya ng Batas Kanoniko at Batas Sibil.
Matapos mahalal ang kanyang tiyo na si Cardinal Giovanni Angelo bilang Pope Pius IV noong Ika-25 ng Disyembre 1559. Inimbitahan nito si Carlos na pumunta sa Roma upang italaga siya bilang isang Arsobispo. Kasama sa kanyang posisyon na tulungan at magpayo sa kanyang tiyuhin sa oras ng pangangailangan.
Makalipas ang ilang buwan siya ay itinalaga ni Pope Pius IV na maging isang Kardinal ng Milan.
Ginamit ni Carlos ang kanyang liderato sa Vatican upang itaguyod ang kaalaman kaya naman nagtatag siya ng isang akademya ng panitikan at siya ay nakapagtala ng ilang mga aralin at leksyon sa aklat na "Noctes Vaticanae."
Noong 1562, namatay ang kanyang kapatid at inudyukan siya ng kanyang pamilya na umalis sa paglilingkod sa Simbahan upang mapanatili ang kanilang pangalan. Gayunpaman, tinanggihan niya ito at mas pinagsumikapan niya na maging isang mabuting Cardinal at mamuhay ng simple.
Noong panahon ni Archbishop Borromeo, ang Milan ang may pinakamalaking Diyosesis sa Simbahang Katoliko, ngunit sa panahon din na iyun ay talamak ang katiwalian. Mahalaga kay Carlos ang usapin ng paglilinis ng katiwalian, kung kaya’t sa kabila ng pagkalat ng Protestanteng Reformasyon sa buong hilagang Europa at ang patuloy na banta nito sa pagsunod sa Simbahang Katolika sa Timog, ang pinakamahusay na paraan para ipagtanggol ang doktrina ng Simbahang Katolika at labanan ang mga akusasyon laban dito ay sa pamamagitan ng reporma at pagsusuri sa integridad ng Simbahan.
Ipinakita ito ni Archbishop Borromeo sa pamamagitan kanyang mga gawaing misyonaryo, at itinuring niya ito bilang pangunahing layunin.
Ang kanyang estratehiya ay ang magbigay ng edukasyon sa maraming kleriko na kanyang nakikita bilang ignorante kaya naman Itinatag niya ang mga paaralan, seminaryo, at maging kolehiyo.
Ipinagbawal rin niya ang pagbebenta ng mga indulhensiya, isang uri ng simonya, at iniutos na magreporma ang mga monasteryo. Kaya naman lumibot siya sa iba't ibang mga lugar para siya mismo ang mag-inspeksyon.
Iniutos din niya na bilisan ang paggawa ng mga interyor ng Simbahan, na isa sa mga pangunahing isyu ng hidwaan sa pagitan ng ilang mga Katoliko at Protestante. Kinikilala na ang magulong interyor ay maaaring maging hadlang sa pagsamba sa Diyos.
Ipinagtanggol niya ang panganib na ito noong Kapulungan ng trento “Counsil of Trent” na ipinatupad ni Archbishop Borromeo. Pati na rin ang mga puntod ng kanyang mga kamag-anak ay nilinis mula sa mga hindi angkop na palamuti at pag-aayos.
Ang pagpapalinis ng Simbahan, pagpapaayos at pagpapabago nito ay nagdulot ng pagkakaroon ni Archbishop Borromeo ng maraming kaaway. Dumating sa pagkakataon na siya’y gustong patayin ng isang miyembro ng isang maliit at lumang orden na kilala bilang "Humiliati" gamit ang isang baril, ngunit hindi siya tinamaan.
Marami sa mga kasamahan at mga opisyal ng pamahalaan na hindi bahagi ng Simbahan ang nag reklamo laban kay Archbishop Borromeo. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng mga kaaway na ito ay nagbigay-lakas sa kanya, at nagpapatunay na ang kanyang mga pagsisikap na alisin ang katiwalian ay patuloy na nagtatagumpay.
Noong 1576, tinamaan ng malawakang taggutom ang Milan at sinundan ng paglaganap ng salot. Sa gitna ng mga pagsubok na ito, marami sa mayayaman at makapangyarihan ay nagtungo sa ibang lugar upang iwasan ang mga problema. Ngunit nananatili ang Arsobispo sa Milan.
Sa kabila ng kanyang mga pagsubok at pagnanasa na mapabuti ang kalagayan ng kanyang nasasakupan, hindi ito naging sapat kaya naman siya ay nagsumikap pa na kumbinsihin ang lokal ng gobyerno na bumalik sa kanyang tungkulin at gumawa ng mga hakbang upang alagaan ang kapakanan ng mga tao.
Ipinakita ni Archbishop Borromeo ang kanyang tapang, dedikasyon, at kababaang-loob sa pamamagitan ng kanyang mga kilos, na nagpapakita na siya'y isang tunay na lingkod ng Simbahan.
Noong 1583, nagtungo si Arsobispo Borromeo sa Switzerland at nagsimulang labanan ang mga protestante. Malawak na naiulat ang pag-usbong na ito kasama ang kanilang mga pagtutol at paninira sa mga tradisyunal na paniniwala. Kaya naman nagtatag si Archbishop Borromeo ng “Collegium Helveticum” upang maglingkod at magbigay-edukasyon sa mga Katoliko sa Switzerland.
Sa huli, ang buhay ni Archbishop Borromeo na puno ng gawaing mahirap ay nagsimulang magdulot ng epekto sa kanyang kalusugan at unti unting nakakaranas ng panghihina.
Noong 1584 bumalik siya sa Milan kung saan lalo pang lumala ang kanyang sakit, at nang maging malinaw ang nalalapit niyang kamatay, siya binigyan siya ng huling Sakramento.
Namatay siya noong ika-3 ng Nobyembre, sa edad na 46.
Siya ay na Beatified noong May 12, 1602 ni Pope Paul V at na-canonized bilang isang Santo ni Pope Paul V noong November 1, 1610.
Ang kanyang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing ika-4 ng Nobyembre.
Si San Carlos Borromeo ay patron ng mga Obispo at mga Katekista.
San Carlos Borromeo,
IPANALANGIN MO KAMI