Kapistahan: Hulyo 31
Si Ignacio de Loyola ay ipinanganak sa Azpeitia sa probinsya ng Guipuzcoa sa hilagang Espanya. Siya ang pinakabatang anak sa labintatlong magkakapatid. Sa edad na 16, umalis siya sa kanyang tahanan upang maglingkod bilang isang pahinante para kay Juan Velasques, tagapag-imbentaryo ng Kaharian ng Castile. Madalas siyang nasa palasyo at dito nabuo ang kanyang pagnanais para sa mga bagay na makamundo.
Siya ay naging opisyal sa hukbong Espanyol. Noong ika-20 ng Mayo, sa labanan ng Pamplona, nabali ang kanyang binti dahil sa isang bala ng kanyon at siya ay nagkasakit at nakaratay lamang sa kanyang kama.
Sa panahon ng kanyang mahirap na paggaling, humiling si Ignacio ng mga aklat na paborito niyang basahin. Wala itong natagpuan sa kastilyo ng kanilang pamilya kung saan siya nagpapagaling, kaya kailangan niyang magtiis sa isang aklat tungkol sa buhay ni Kristo at mga biyograpiya ng mga santo na kung saan habang ito’y kanyang binabasa ay mayroon siyang mga natuklasang nakakaakit.
Noong Marso 1522, unti-unti nang lumakas si Ignacio at siya’y lumisan sa tahanan na may bagong pagnanais na maglingkod sa Diyos. Dumating siya sa dambana ng Mahal na Birhen ng Montserrat at nanatiling nagbabantay sa buong gabi. Iniwan niya ang kanyang tabak sa altar at ibinigay ang kanyang magagandang kasuotan sa isang taong dukha. Iniwan niya ang kanyang buhay bilang isang maharlikang sundalo at nagbihis ng pangkaraniwang kasuotan at sandalyas upang maging isang dukhang manlalakbay.
Namuhay siya sa isang kuweba malapit sa bayan ng Manresa. Sinimulan ni Ignacio ang pagsusulat tungkol sa mga damdaming sumapi sa kanya - mga damdamin ng pasasalamat, kalungkutan at kasiyahan habang nagbabasa ng mga banal na kasulatan. Dito niya sinimulan ang kanyang banal na gawain na kinalaunan ay makikilala bilang kanyang mga "Spiritual Exercise".
Naramdaman ni Ignacio ang tawag sa pagkapari ngunit hindi siya nakakumpleto ng mga kinakailangang edukasyon. Upang tuparin ang kanyang pagtawag, kailangan niyang bumalik sa paaralan kung saan siya nag-aral ng gramatika ng Latin kasama ang mga bata. Nagpatuloy si Ignacio sa kanyang edukasyon sa University of Paris. Dito niya ipinakilala ang mga kaklase sa kanyang nabuong mga "Spiritual Exercises".
Kasama ang anim pa (sina Francis Xavier at Peter Faber), sila’y nanumpa ng mga panata ng kahirapan, kahinhinan, at pagsunod at binuo ang kapisanan ng Heswita. Sa umaga ng Pasko noong 1538, ipinagdiwang ni Ignacio ang kanyang unang Misa sa Simbahan ng St. Mary Major sa kapilya ng Pagsilang sa Roma.
Noong Setyembre 27, 1540, ginawang opisyal na orden relihiyoso ng Simbahang Katoliko ni Papa Paul III ang Kapisanan ng Heswita “Society of Jesus”. Napili ng mga Miyembro si Ignacio bilang first Father General.
Sa susunod na 15 taon, pinamunuan ni Ignacio ang samahan mula sa dalawang maliit na silid sa Roma. Dito niya nilikha ang mga konstitusyon ng samahan at sumulat ng maraming sulat sa kanyang dumaraming mga kapatid sa samahan. Ang unang pitong miyembro ng samahan ay lumago hanggang sa mahigit isang libo. Itinatag ang mga paaralang Heswita at simbahang Heswita sa buong Europa, at naglakbay ang mga misyonerong Heswita hanggang sa Japan. Sa kabila ng bagong responsibilidad na ito, patuloy na pinaglingkuran ni Ignacio ang mga mahihirap at maysakit sa Roma.
Simula pa noong mga panahon niya bilang mag-aaral sa Parish, nagdusa na si Ignacio sa pananakit sa tiyan na unti-unting lumala. Noong huling bahagi ng Hulyo, uminda si Ignacio ng matinding kirot sa tiyan at noong ika-31 ng Hulyo, siya ay sumuko sa kanyang sakit at namatay.
Si Ignacio ay na beatified noong July 27, 1609 ni Pope Paul V at siya ay na Canonized naman noong March 12, 1622 ni Pope Gregory XV. Noong araw din na yun ay na Canonized kasama ang kaibigan at kapwa Heswita na si Francis Xavier.
Si San Ignacio ay ang banal na patron ng Edukasyon, Retreats, Sundalo, at Samahan ng mga Heswita.
San Ignacio de Loyola,
Ipanalangin mo Kami.
Reference
https://www.jesuits.org/stories/the-life-of-st-ignatius-of-loyola/