BUHAY NI SANTO DOMINGO SAVIO
Feast Day: May 6
Kapanganakan: April 2, 1842
Death: March 9 1857
Beatification: March 5 1950 by Pope Pius XII
Canonization: June 12, 1954 by Pope Pius XII Si Dominic Savio ay isinilang noong Abril 2, 1842 sa San Giovanni Di Riva, malapit sa Chieri (Turin) Northern Italy. Ang kanyang mga magulang ay sina Charles Savio na isang magpapanday at si Brigid Savio na isang mananahi. Siya ay pangalawang anak sa labing-isang magkakapatid at silang pamilya ay may malalim na pananampalataya sa Diyos. Si Dominic Savio ay regular na dumadalo sa Banal na Misa kasama ang kanyang ina at madalas siyang makitang nakaluhod sa harap ng tabernakulo at taimtim na nananalangin. Kahit sa labas ng Simbahan, ay ginagawa niya parin ang pagdarasal at hindi alintana para sa kanya kung ang lupa ay maputik o madumi. Kahit bata pa lamang si Dominic Savio ay labis na ang kanyang pagmamahal sa Diyos, may angkin itong kabanalan kaya naman sa edad na lima (5) ay nagsimula siyang magsilbi sa Simbahan bilang isang sakristan. Sa edad na pito (7) ay tinanggap niya ang unang pakikinabang at sinulat ni Dominic Savio ang kanyang apat na pangako sa isang maliit na aklat kung saan ay sinabi niya na ang araw na iyun ang pinakamasayang araw ng kanyang buhay. Ang mga pangako ng batang si Dominic ay ang mga sumusunod:

- Madalas akong magsisimba at tatanggap ng banal na komunyon.
- Gagawin kong banal ang araw ng linggo at pistang pangilin.
- Si Jesus at si Maria ang pinaka matalik kong kaibigan
- Nanaisin ko pang mamatay kaysa magkasala.
Matapos ang kanyang unang pakikinabang ay nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral. Naglalakad siya ng tatlong milya papunta sa paaralan araw-araw at ginagawa niya ito nang may kagalakan. Sa edad na labindalawa (12) ay tinanggap siya sa oratoryo, dito ay nakilala niya si Don Bosco at siya ay nag aaral nang direkta sa pangangalaga nito. Masigasig sa pag aaral si Dominic Savio at laging nagtatanong kapag mayroon siyang hindi nauunawaan. Pagkatapos ng anim na buwan sa oratoryo, si Dominic Savio ay nagbigay ng isang talumpati tungkol sa landas patungo sa kabanalan. Sa kanyang talumpati ay nagbigay siya ng tatlong mahahalagang punto; una, ito ay kalooban ng Diyos na tayong lahat ay pwedeng maging mga santo, ikalawa, madali maging isang santo, at ang ikatlo ay mayroong malaking gantimpala sa langit para sa mga santo. Noong si Dominic ay nagpahayag ng kagustuhang maging isang santo, nagdulot ito ng alinlangan sa kanya. Nag isip siya kung paano maaaring maging isang santo ang kagaya niyang isang bata lamang. Sa kanyang pagpupursige, sinubukan niyang magpataw ng mga sakripisyo at ibang penitensiya na makakatulong sa kanya na mas lalong mapalapit kay Hesus at maging isang santo. Sinanay niya ang matulog sa hindi komportableng tulugan at nagsusuot siya ng maninipis na damit kung taglamig bilang sakripisyo. Ngunit nang makita ito ni Don Bosco ay kinausap siya at Ipinaliwanag sa kanya na bilang isang bata, dapat ay maglaan siya ng panahon sa kanyang pag-aaral at maging masaya lamang sa kanyang mga Gawain. Dagdag pa ni Don Bosco, para maging isang santo ay gawin niya lamang ang mga ordinaryong gawain ng hindi nakakaligtaan. Sa panahon na si Dominic Savio ay unti-unting nakilala bilang isang magaling at masipag na mag-aaral, madasalin, mabait at mapagmahal sa kanyang kapwa bata ay unti-unti namang bumabagsak ang kanyang kalusugan. Tinamaan siya ng malalang sakit na “Pneumonia” na noong panahong iyon ay wala pang natutuklasang gamot para dito. Si Dominic Savio ay tiyak sa kanyang nalalapit na kamatayan kaya naman nakiusap siya sa kanyang mga magulang na tumawag ng pari upang siya ay mag kumpisal at tumanggap ng sakramento ng pagpapahid ng langis sa may sakit. Pinagbigyan siya ng kanyang mga magulang at siya ay tumanggap nga ng sakramento. Noong March 9, 1857 sa edad na 14 years old bago mamatay si Dominic Savio. Ang kanyang huling sinabi ay “O, kay ganda ng aking nakikita.” Siya ay namatay sa sakit na pneumonia at namatay na may kabanalan, bago pa man ito mangyari sa kanya ay nakita na niya ang pintuan ng langit. Ang kanyang libingan ay matatagpuan sa Basilica of Mary Help of Christian sa Turin Italy. Si Dominic Savio, ay na Beatified noong March 5, 1950 at tinalaga bilang isang batang santo noong June 12, 1954 ni Venerable Pope Pius XII. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing ika-anim ng Mayo. Santo Domingo Savio, Ipanalangin mo kami.