Galak sa Unang Kumpisal

 

Magkahalong takot, kaba, hiya, saya at excitement ang naramdaman ng mga nasa ika-apat na baitang na mga mag-aaral ng Kalayaan Elementary School sa kanilang pagtanggap ng Sakramento ng Kumpisal sa unang pagkakataon na isinagawa sa Our Lady of the Most Blessed Sacrament sa Pasay.

Matiyagang nakinig sa kanilang kumpisal ang kanilang kura paroko na si Fr. Domingo Asuncion.

Iba’t-ibang pagpapahayag ng kanilang nararamdaman ang ibinahagi ng mga bata sa kanilang pagtanggap ng unang kumpisal. 

“Kinakabahan po ako na kausapin at magsabi ng kasalanan kay father at masaya din po dahil pwede na po kami mag komunyon tuwing magsisimba.” ang pahayag ni Shane Alexis Mendoza. 

“Excited po ako na kinakabahan at maluwag sa puso kasi nasabi ko kay father ang mga kasalanan ko at masaya din po kasi tatanggapin ko na ang Banal na Sakramento.” ayon naman kay Allery Tulang.

Ito naman ang karanasan ni Jayden Claud Sawali, “Ako po ay masaya dahil gumaan po ang aking pakiramdam pagkatapos makausap si father at nangumpisal ng kasalanan.”

Sa kabuuan ay maayos na natapos ang kumpisal at nangibabaw ang sayang nadarama ng mga bata na tumanggap ng pagpapatawad ni Hesus.