Flores de Maria 2022
Mayo na naman! Flores de Maria naman!
Dalawang taon makalipas na mailagay ang ating bansa sa pandemya hindi tumigil ang Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila na bigyang parangal ang ating Inang Maria sa pamamagitan ng paglikha ng online Flores de Mayo kung saan tayo ay patuloy na nakapag-aalay ng panalangin at bulaklak sa ating inang si Maria. Kung noong nakalipas na dalawang taon ay nanatili lamang tayo sa ating mga tahanan para maki-awit, makidasal, mag-alay ng bulaklak at matuto, ngayong taong ito, marami sa atin ay nakalabas na ng ating mga bahay at nagtungo sa ating kanya-kanyang parokya upang maipagdiwang ang Flores de Maria. Sa pangunguna ng ating mga parish ministry catechists, ilang simbahan na sa Arkidiyosises ng Maynila ang nagsasagawa na sa ngayon ng Flores de Maria. Samantalang ang iba naman ay patuloy na sumasabay sa ating online Flores de Maria habang nasa kanilang mga tahanan sa pamamatnubay pa rin ng ating parish ministry catechists.
Patuloy nating subaybayan ang online Flores de Maria sa ating CMM-CFAM Media Ministry FB page tuwing ika-2 ng hapon at suportahan din ang ating mga masisipag na katekista sa parokya sa kanilang mga programa tulad ng Flores de Mayo o Flores de Maria.