Pagtanggap kay Hesus sa Unang Pagkakataon

 

Tumanggap ng Komunyon sa unang pagkakataon ang mga nasa ikatlong baitang na mag-aaral ng South Cembo Elementary School na ginanap noong Mayo 7, 2022 sa National Shrine of Our Lady of Guadalupe. 

Ang pagdiriwang ay pinamunuan ng kanilang Sri Lankan guest priest na si Fr. Maximus Pushpakumara.  “Laging magsimba at tumanggap ng komunyon upang maging mabuti tulad ni Hesus.”  Ito ang mensahe ni Fr. Maximus sa pitumpu’t pitong (77) mga batang tumanggap ng unang komunyon.  Ipinaalala rin niya sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak upang maging masunurin at mabait na mga bata.

Ang pagtanggap ng mga bata ng unang komunyon ay matagumpay na naipagdiwang sa kabila ng mga “restrictions” na kinakaharap sa gitna ng pandemya.