RADIO BROADCAST MINISTRY NG CFAM

 

Katekesis Like Ko To! at CFL sa Veritas

Ang himpilang DZRV 846 o mas kilala bilang Radyo Veritas ay istasyon ng radyo na pagmamay-ari ng Simbahang Katoliko at nasa pamamahala ng Archdiocese of Manila sa ilalim ng Global Broadcasting System.  

Ang Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila ay kabahagi ng Radyo Veritas sa layunin nitong magpalaganap ng Salita ng Diyos at magturo ng pananampalataya sa bawat Filipino.

Noong Disyembre, 2013 ay nabuo ang programang “Katekesis Like Ko ‘To.”  Ito ay lingguhang bahaginan ng pananampalatayang Romano Katoliko na itinatanghal sa ganap na ika-11 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali tuwing araw ng Linggo sa pangunguna ni Carmelo Callos bilang main anchor kasama ang ilang mga katekista ng CFAM na sina Norma Ramos, Leopoldo Pascua Jr., Norilyn Magno, Dennis Cabilangan, at Perpetua Jurial. 

Maari ding mapanood at mapakinggan ang programang ito sa kanilang FB live tuwing Linggo sa sumusunod na FB site:  https://www.facebook.com/katekesislikekoto/

Isa pang programa na kinabibilangan ng ating mga katekista ay ang “CFL sa Veritas” mula sa produksyon naman ng Commission on Family and Life ng Archdiocese of Manila.  Ang programang ito ay tumatalakay sa mga usaping pampamilya ng Kristiyanong Pilipino.  Tumatayong main anchor si Ms. Angelique Lazo at co-anchor naman ang mag-asawang Edgardo at Vivian Cabuello ng Commission on Family and Life ng Archdiocese of Manila.  Ang programang ito ay mapapakinggan tuwing Huwebes sa ika-9 hanggang ika-10 ng umaga at kasamang mapapakinggan nagbabahagi ay ang mga mag-asawang katekista ng CFAM na sina Manuel at Joy Garcia, Leon at Julie Asuncion, Diosdado at Cleofe Fernandez, at ang mag-asawang Artemio at Liza Manuben.

Tangkilikin at ating pakinggan ang mga programa ng DZRV 846 Radyo Veritas, ang Radyo ng Simbahan.