Espiritu Santo: Gabay sa pagtupad ng misyon

 

“Taos puso po ang aming pasasalamat sa pagdating ng kanyang Kabunyian Jose Fuerte Cardinal Advincula, Arsobispo ng Maynila para sa pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil.  Pasasalamat sa aming Kura Paroko, Rev. Fr. Santiago E. Casing, kay Fr. Rico Garcia, mga kasamang pari, Rev. Ronald Baruela, Sr. Catherine Dones at mga kapwa ko katekista.”  Ito ang naging pahayag ni Marisol Joyosa, head catehist ng Sta. Teresita Parish sa ginanap na Kumpilan sa Sta. Teresita Parish noong March 14, 2022.

"Ang Espiritu Santo mismo ang regalo na tatanggapin ninyo mismo sa araw na ito.  Mabangong langis, ang krisma na ipapahid sa inyong noo sapagkat ito ang misyon ninyo, ang maging halimuyak ni Kristo sa mundo sa pamamagitan ng inyong mabuting pamumuhay.  Panalangin ko na sa paglago ninyo sa buhay Kristiyano ay maisabuhay ninyo ang inyong misyon saan man kayo isugo, sa pamilya, sa paaralan, sa barkadahan.

Tatanggapin ninyo ang Espiritu Santo na magbibigay sa inyo ng mga kaloob upang tuparin ang inyong misyon.  Ang inyong patron na si Santa Teresita, natuklasan ang kanyang misyon, sabi niya: Sa puso ng Simbahan, ako’y nagmamahal."  Ito ang mahalagang mensahe ng ating arsobispo sa mga batang tumanggap ng Sakramento ng Kumpil.