Kumpil sa Pandemya, Tagumpay!

ni Rhea Mae Gayoso

 

Tuloy ang pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil na isinagawa sa Sts. Peter and Paul Parish, sa kabila ng pandemya noong ika-19 ng Pebrero 2022.  Ang pagdiriwang ay pinangunahan ni Most Rev. Teodoro Bacani, D.D., Bishop Emeritus ng Diocese of Novaliches kasama si Msgr. Gerardo “Gerry” Santos, Parish Priest ng Sts. Peter and Paul Parish.

“Pinagtitibay kayo ng Panginoon sa inyong pagka-Kristiyano na nagsimula nang kayo ay binyagan.  Ngayong kayo ay kinukumpilan nagkakaroon kayo ng pananagutan o responsibilidad kaya naman nangangailangan na pagtibayin ninyo ang inyong pangako doon sa binyag. Ngayon naman pinagtitibay ng Panginoon ang inyong pagka-Kristiyano, bibigyan kayo muli ng Espiritu Santo upang maitalaga ang inyong sarili sa pagsaksi sa ating Panginoon, may pananagutan kayo sa Simbahan, sa Diyos at sa mundo. Maging Kristiyano kayo sa lahat ng ginagawa ninyo. Hingin ninyo ang Banal na Espiritu nang sa ganoon, ano man ang gawin ninyo ay maging saksi kayo para sa Panginoong Hesukristo.” Wika ni Most. Rev. Teodoro Bacani sa kanyang homiliya.

Kabilang sa kinumpilan ang 118 na estudyante mula sa Makati Highschool at General Pio del Pilar High School.

“Masaya po ako na maka-experience ng Kumpil. Pinili ko pong magpakumpil ngayon dahil gusto ko po mapalapit sa Diyos.” Juriest Courtney, 13 taong gulang, Grade 7, mag-aaral mula sa General Pio del Pilar High School.

Kasama ng mga kinumpilan ang kanilang mga magulang, ninong, ninang at tagapangalaga.

“ As Catholic it is our obligation na magpakumpil. Maganda na maintindihan niya ang halaga ng kumpil sa buhay niya.” ayon kay Jay Himenez, tito ng kinumpilan.

Maayos na naisagawa ang Sakramento ng Kumpil habang ipinatutupad ang COVID-19 Protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, social distancing at contact tracing.