Salamat SY 2021-2022
Isang taon na naman ang lumipas para sa ating mga mag-aaral. Ang taon pampaaralan 2021-2022 ay tiyak na naging makahulugan sapagkat ito ang taon kung saan nagsimula na rin sa mga paaralan ang “limited face to face class.” Ilan sa ating mga mag-aaral ay nagbalik na muli sa loob ng paaralan makalipas ang mahigit dalawang taon na pananatili sa loob ng tahanan para sa kanilang “online class” dahil sa pandemya.
Kaya naman isang pasasalamat ang inialay ng pamunuan ng mga paaralan sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Misa Pasasalamat na ginanap bago magtapos ang taon pamparalan 2021-2022 ngayong buwan ng Hunyo at Hulyo na dinaluhan ng mga magsisipagtapos na mag-aaral sa ika-anim na baitang kasama ang kanilang punong-guro, mga guro at magulang.
Ang Misa Pasasalamat ay ipinagdiriwang taun-taon bilang bahagi ng pagtatapos ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang. Ito ay bilang pasasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyayang tinanggap sa loob ng anim o pitong taon na pagsisikap sa pag-aaral ganun din sa tulong at gabay ng mga magulang at guro ng mga batang magsisipagtapos.
Salamat sa Diyos! Salamat SY 2021-2022!