VICARIATE OF STO. NIÑO CHILDREN’S ASSEMBLY 2023
Ang Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila (CFAM) ng Vicariate of Santo Niño ay nagkaroon ng Children’s Assembly noong nakaraang Sabado, Nobyembre 11, 2023 na ginanap sa Parokya ng San Pablo Apostol sa Tondo, mula 7:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
“RAMDAM KITA! GETS MO?” ang naging tema ng nasabing pagtitipon. Layunin nito na iparamdam sa mga bata at kabataan na sila ay laging may kasa-kasama habang naglalakbay bilang mga Munting Alagad ni Kristo.
Ang naturang pagdiriwang ay nagsimula sa pagsasanay ng mga awitin upang ihanda ang mga kabataan sa Banal na Eukaristiya na pinamunuan ni Rev. Fr. Allan Ferdinand Dizon, FdCC.
Ibinahagi ni Fr. Allan sa kanyang homiliya ang maikling buhay ni Sta. Magdalena ng Canossa. Sinabi niya na ayon kay Sta. Magdalena “Hindi minamahal si Jesus, dahil hindi Siya kilala!” Bitbit sa isipan ng mga bata ang habilin ni Fr. Allan bilang isang Kanosyano “To make Jesus known and Loved!”
Masayang tinanggap naman ni Fr. Reynaldo Daguitera, FdCC, ang Kura Paroko ng San Pablo Apostol sa kanyang Welcome Remarks, ang lahat ng participants ng Children’s Assembly.
Sinundan ito ng iba’t ibang palaro na may kaugnayan sa pagiging Munting Alagad ni Kristo na masusing ipinaliwanag ni Sir Roque Palero, ang Vicarial Coordinator ng Vicariate ng Sto. Niňo. Binigyang diin ni Sir Roque ang Threefold Mission ni Hesus, ang pagka Hari, Pagkapari at Pagkapropeta na siya ring isang malaking hamon sa bawat binyagang kabataan. Naipaliwanag rin sa mga kinatawang mag aaral na darating ang panahon sa tulong at paghuhubog ng kanilang katekista na sila rin ay magiging isang munting alingawngaw o “echoes” ng Mabuting Balita ni Hesus bilang mga junior catechists ng Simbahan.
Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng 121 na mga bata at Kabataang mag-aaral mula sa iba’t-ibang Pampublikong Paaralan na sakop ng Bikaryato ng Santo Niῆo. Ang mga paaralang ito ay ang mga sumusunod ayon sa sakop ng bawat parokya
St. John Bosco Parish - Tondo
- Amado V. Hernandez Elementary School
- Manuel Luis Quezon Elementary School
- Tondo High School
Archdiocesan Shrine of Sto. Niño De Tondo
- Magat Salamat Elementary School
- Jose Corazon De Jesus Elementary School
- Teodoro Yangco Elementary School
- Isabelo Delos Reyes Elementary School
- Gregorio Perfecto High School
Our Lady of Peace and Good Voyage
- Rosario Almario Elementary Schooñ
Nuestra Señora De La Soledad
- Pedro Guevara Elementary School
- Emilio Jacinto Elementary School
- Gen. Vicente Lim Elementary School
- Antonio Villegas Vocational High School
Minor Basilica and Natinoal Shrine of San Lorenzo Ruiz
- Jose Abad Santos High School.
- Raja Soliman Science and Technology High School
Nagtapos ang pagtitipon sa launching ng FB Page ng JCA (Junior Catechists Association) ng Vicariate Of Sto. Niňo habang inaawit ang “Children of the Loving Father, the Caring Mother”.
Masaganang salo-salo ng pananghalian ang sumunod pagkatapos ng launching. Ang naging tapagpadaloy ng programa ay si Kuya Randy Fuentes, CFAM catechist ng St. John Bosco Parish.
Isang malaking pasasalamat ang nais iparating sa mga Kura Paroko ng lahat ng Parokya ng Vicariate ng Sto. Nino. Lalo na kina Fr. Reynaldo Daguitera, FdCC, Msgr. Bong Lo, LRMS, Msgr. Jerome Reyes, Fr. Joel Villaruel, OAR, Fr. GC Carandang, SDB, at Fr. Douglas Badong. Maraming salamat po sa inyong tulong pinansyal at panalangin na naging daan upang maisagawa ang Children’s Assembly na ito.Ang kaganapang ito ay nagpapahayag ng magandang pagsisimula ng JCA sa Vicariate ng Santo Niño. Isang daan upang maisakatuparan ang mga hangarin ng CFAM na lumalim ang pananampalataya ng mga bata at kabataan sa Archdiocese ng Maynila at pukawin at hubugin ang bokasyon ng pagiging mga katekista ng Simbahan.
“RAMDAM KITA! GETS MO?”