Papuri sa Diyos sa Banal na Sakramento

 

Napakagandang pagmasdan sa kanilang puting kasuotan ang mga mag-aaral na tumanggap ng kanilang Unang Komunyon noong April 2, 2022 na ginanap sa Archdiocesan Shrine of Espiritu Santo.  Ang pagdiriwang ay pinangunahan ni Rev. Fr. Wilmer Rosario, ang kanilang kura paroko.

Sabay sa Kapistahan ng ating ikalawang santo, San Pedro Calungsod, ang pagtanggap sa katawan ni Kristo sa anyo ng tinapay ay lalong naging mas makahulugan sa mga batang tumanggap kay Hesus sa unang pagkakataon.

Laking pasasalamat ng mga magulang na sa kabila ng pandemya ay naisakatuparan ang matagal nang hinihintay ng kanilang mga anak – ang tanggapin si Hesus.