“Banal na Daloy”
CFAM Retreat 2024
“Sikapin mong ingatan ang iyong puso dahil mula rito ay dumadaloy ang mga bukal ng buhay”
(Kawikaan 4:23)
Tunay na dumaloy ang biyaya ng Diyos sa bawat katekista ng Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila sa isinagawang taunang Banal na Pagsasanay na ginanap sa Lay Formation Center of the Archdiocese of Manila.
Ang nasabing taunang retreat ay pinangunahan ng Life Coach na si Mimo Perez at ng kaniyang kabiyak na si Ms. Aubrey Perez. Ang banal na pagsasanay sa taong ito ay may temang “The Divine Flow” o "Banal na Daloy".
Ang tema ng Banal na Daloy ay pinalalim sa tatlong Kabanata: Kaayusan o Order, Pagkasira ng Kaayusan o Disorder, at Bagong kaayusan o Re-order. Mula sa mga kabanata na ito higit na naramdaman ng mga katekista ang daloy ng pagmamahal ng Diyos sapagkat hinayaan nilang magpaakay sa mahigit tatlong araw na pakikibahagi sa Banal na Daloy na nagmumula sa Diyos.
Kabanata 1: Kaayusan o Order, dito ipinakita na ang bawat katekista ay may sariling kuwento ng kaayusan na maaring binubuo ng pamilya, kuwento o ano pa man na nag-
uugnay sa kung saan nagmumula ang lahat.
Kabanata 2: Pagkasira ng kaayusan o Disorder, unti-unting lumalalim ang usapan sa kabanata na ito sapagkat ipinapakita at ipinadarama ang ilang mukha ng pagkasira nang kaayusan katulad ng karanasan ng kasalanan, kahinaan, kabiguan, kahihiyan, trahedya o anumang karanasan na di natin kayang unawain, ayusin, pigilan, at baguhin.
Sinabi nga ni Fr. Richard Rohr, OFM isang spirirual writer “We transform from hurt people hurting other people, to wounded healers healing others.”
Hindi maari na mananatili na lamang tayo sa ganitong sitwasyon, kinakailangang natin e-proseso ang sarili ng may paglago at paglaya. Kapag tayo ay nananatili lamang dito ay makukulong tayo sa galit, pagdududa at kawalang pag-asa.
Sa ikatlong kabanata ay babawiin ang pagkasira na ito at dadahin tayo sa ating totoong pagkakakilanlan.
Kabanata 3: Bagong kaayusan o re-order, ang bagong kaayusan ay may puwang para sa kaayusan at pagkasira ng kaayusan na kung saan lilinisin tayo ng Diyos hanggang sa matuto tayo at mabawi ang totoo nating pagkakakilalanlan bilang isang IMAGO DEI (Imahen ng Diyos). Dito tuturuan tayo ng buhay kung ano ang mahalaga.
Five steps to Help us Embrace the Divine Flow
1.Nurture a contemplative consciousness (Pagyamanin ang mapagnilay na puso)
2. Come home to your true self as Imago Dei (Umuwi sa totoo mong sarili bilang Imago Dei)
3. Practice self-care (Ugaliin ang wastong pagkalinga sa sarili)
4. Embrace vulnerability (Yakapin ang katotohanan ng sagrado mong pagkatao)
5. Cultivate life-giving relationships (Mamuhunan sa positibong relasyon)
Sa huli, mahalaga ang tinatawag na Triple A, para sa pamumuhunan ng isang relasyon:
Acceptance, pagtanggap sa katotohanang hind mo kontrolado ang ugali o pasya ng kapwa, gayundin ang nakalipas.
Appreciation, napatunayan na ang pinakamasayang tao ay yung may pusong mapagpasalamat.
Affection, lahat ng tao ay may kakayahang tumanggap at magbigay ng lambing o kalinga.
Kaya naman patuloy tayong magpaakay sa Diyos. Tulad ng pag-akay sa bawat katekista na nagbahagi ng napakaraming kuwento ng buhay at karanasan, at hindi natakot na ipakita ang ibat-ibang emosyon na nagmumula sa kanilang puso.
Di lang sa kaalaman at sa pagkain na busog ang mga katekista, higit sa lahat sa biyaya ng karanasan at pagpapala na nagmumula sa Diyos.
Nagtapos ang mabiyayang retreat na ito sa isang misa na pinangunahan ng minamahal na minister ng CFAM Rev. Fr. Carlo Magno Marcelo.
Sa bawat kuwentong katekista, gaano man kalalim, kahirap, kasakit ay masaksihan ang banal na daloy ng pag-ibig ng Diyos!
Salamat sa Diyos at sa CFAM sa siksik, liglig at mabiyayang karanasan.









