Pleasant First Communion

 

Ipinagdiwang ang ikatlong batch ng Unang Pakikinabang ng mga mag-aaral ng Pleasant Hills Elementary School noong Mayo 14, 2022 na ginanap sa Sacred Heart of Jesus Parish sa ganap na ika-siyam ng umaga.

Sa kabila ng maagang oras ng pagdiriwang na ito, ang limampu't limang mga batang tumanggap kay Kuya Hesus sa unang pagkakataon ay excited na gumising at naghanda ng kanilang mga sarili para sa okasyon na ito.

Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng kanilang kura paroko na si Rev. Fr. Rey Anthony Yatco.

Salamat sa suporta ng mga magulang, ang okasyong ito ay isang hakbang tungo sa ikalalago ng buhay pananampalataya ng kanilang mga anak. Salamat din sa mga katekistang patuloy na nagbibigay ng sarili upang maisakatuparan ang pagtanggap ng mga bata ng mga nararapat na sakramento.