Kumpilan sa Santuario

 

May isang daan at labing-apat (114) na mag-aaral ng Kabayanan Santa Lucia at Nicanor Ibuna Elementary Schools ang tumanggap ng Sakramento ng Kumpil na ginanap sa Santuario del Sto. Cristo Parish noong ika-25 ng Marso, 2022 na pinaunlakan ni Rev. Msgr. Esteban Lo, LRM.

Maluwalhating naipagdiwang ang Sakramento ng Kumpil sa pangunguna ng mga katekista at sa pakikipagtulungan na rin ng mga magulang, ninong at ninang.