PAMAYPAY NG PANANAMPALATAYA

 

Ang mga "Pamaypay ng Pananampalataya" (Catechetical Fans) ay mga "catechetical tools" na makakatulong sa katekista at mga magulang sa paghahanda ng pagtanggap ng mga Sakramento ng Simbahan. Ang tila pamaypay na gamit katekesis na ito ay naglalaman ng mga lagom ng katuruan tungkol sa mga sakramento. Maari itong iuwi ng mga magulang ng mga bata at kabataang naghahanda sa pagtanggap ng mga sakramento upang sa ganun ay higit nilang mapag-aralan at maunawaan ang halaga ng sakramentong kanilang tatanggapin at ipagdiriwang.

Ito ay naglalaman ng mga pangunahing katuruan tungkol sa ating pananampalataya na makatutulong sa pag-aaral at paglago nito.  Layunin nito na sa bawat pagdiriwang ng mga Sakramento ay magkaroon ng pag-aaral o katekesis upang maging mas makabuluhan ang pagdiriwang ng bawat Sakramento.

Ito ay binubuo ng sampung (10) pamaypay; ang katekesis ng 7 Sakramento, na naglalaman ng katekesis sa bawat sakramentong tinatalakay.  Ang Panalanging pang-araw-araw ng Katolikong Pilipino at ang katekesis sa Kristiyanong pamamanata o debosyon.