KALENDARYO NG KATESISMONG KATOLIKO 

 

Ang Kalendaryo ng Katesismong Katoliko (KKK) ay inihanda ng Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila (CFAM) upang magkaroon ng aklat katesismo para sa pamilyang Filipino. Ito ay tulong upang ang bawat pamilyang Pilipino ay magkaroon ng sama-samang pag-aaral ng pananampalataya (Family Catechesis). 

Tinatalakay dito ang mga pangunahing katotohanan sa ating pananampalataya o ang “basic truths of faith.”  Bawat buwan ay may mahalagang aspeto ng ating pananampalataya na tatalakayin o “monthly theme.”  May katambal din itong Salita ng Diyos na maari nating panghawakan. 

Masasabi natin na sa loob ng 365 na araw ng matapat na pag-aaral ng pananampalataya sa pamamagitan ng KKK ay nasulyapan natin ang kabuoan ng ating aklat katesismo (Katesismo ng Iglesia Katolika at Katesismo para sa Pilipinong Katoliko).

Ito ay natatangi sapagkat ang mga bahagi ng katekesis sa bawat araw ay maaring gampanan ng kasapi ng pamilya upang magkaroon ng pagdaloy ang pag-aaral. 

       Ang “Tanong sa Pananampalataya” ay maaring banggitin ng pinakabata o bunso na kasapi ng pamilya. 

       Ang Turo ng Simbahan ay babasahin ng ama ng tahanan.

       Ang Salita ng Diyos ay ipapahayag naman ng ina ng tahanan.

       Ang panalangin ay pangungunahan naman ng panganay na anak. 

Ang Katekesis ay magtatapos sa hamon sa pamilya at ito ay sisikaping gawin ng pamilya araw-araw sa loob ng isang linggo. Ang KKK ay maaaring gamitin sa loob ng limang (5) taon.  Kaya’t hinihikayat na uliting basahin upang lalo pang lumago sa pananampalataya.